--Ads--

Magkakaroon ng panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, sa araw ng Martes, Enero 13 na siyang ikatlong sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng diesel at kerosene.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na magtataas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.30, diesel ng P0.20, at kerosene ng P0.30.

Magpapatupad din ng kaparehong taas-presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Magsisimula ang mga bagong presyo ganap na 6:00 ng umaga sa Martes, Enero 13, para sa lahat ng kumpanya, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng pagtaas bandang 4:01 ng hapon sa parehong araw.

--Ads--

Samantala, wala pang anunsyo ang iba pang oil companies kung magtataas din sila ng presyo ngayong linggo.