--Ads--

Bahagyang humina na ang Bagyong “ADA” habang mabagal na kumikilos pa‑silangan hilagang‑silangan.

Batay sa State Weather Bureau namataan ang bagyo sa layong 135 km Silangan Hilagang‑Silangan ng Virac, Catanduanes o 395 km Silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 90 km/h

Mabagal na kumikilossi Ada sa direksyong silangan hilagang‑silangan.

--Ads--

Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Catanduanes and the eastern portion of Camarines Sur (Caramoan).

Signal number 1 naman sa southeastern portion of Isabela (Dinapigue, Palanan), Aurora, the eastern portion of Quezon including Polillo Islands, Marinduque, the eastern portion of Romblon , Camarines Norte, the rest of Camarines Sur, Albay, Sorsogon, and the northern and central portions of Masbate including Ticao and Burias Islands at Northern Samar.

Sa forecast tract Inaasahang kikilos pa‑hilagang‑silangan ang Bagyong ADA hanggang bukas, Enero 19. Mula bukas, susunod ito sa paikot na galaw sa dagat habang nasa silangan ng Luzon.

Mananatiling Tropical Storm habang nasa dagat at unti-unting hihina bilang Tropical Depression pagsapit ng Martes, Enero 20

Dahil sa lakas ng amihan, lalo pang hihina at magiging Low Pressure Area pagsapit ng Huwebes, Enero 22