--Ads--

Nagkaroon ng panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw, Enero 20.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Petron Corp., Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp. na nagtaas sila ng presyo ng ₱1.00 kada litro sa gasolina, ₱2.00 sa diesel, at ₱1.50 sa kerosene.

Nagpatupad din ng kaparehong price hike ang Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines Corp., at Unioil Petroleum Philippines Inc., ngunit hindi kabilang ang kerosene dahil wala silang ganitong produkto.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6:00 ng umaga ng Martes, Enero 20, para sa lahat ng nabanggit na kumpanya, maliban sa Cleanfuel na magtataas ng presyo alas-4:01 ng hapon ng parehong araw.

--Ads--

Samantala, may ilan pang kumpanya ng langis na hindi pa naglalabas ng opisyal na anunsyo kaugnay ng kanilang price adjustments para sa linggong ito.PETRO

Nauna nang nagbabala ang Department of Energy–Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) tungkol sa inaasahang pagtaas ng presyo, na iniuugnay sa pangamba sa posibleng paglala ng tensyon na kinasasangkutan ng Iran, na maaaring makaapekto sa pandaigdigang suplay ng krudo.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong pagtaas para sa gasolina at ikaapat na magkakasunod na pagtaas para sa diesel at kerosene.