--Ads--

Panibagong cyber libel complaint ang kinakaharap ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay pa rin sa social media post na tumanggap ang National Unity Party (NUP) ng suhol mula sa business tycoon na si Enrique Razon para suportahan si dating speaker Martin Romualdez.

Ang ikalawang reklamo ay inihain ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno sa Antipolo City Prosecutor’s Office.

Una nang naghain ng P110-M cyberlibel case si Razon sa Makati City Prosecutor’s Office laban kay Barzaga.

Kasalukuyang suspendido pa si Barzaga kaugnay sa ipinataw na 60-day suspension noong Disyembre ng House of Representatives matapos mapatunayang guilty sa mga hindi tamang pag-uugali sa kanyang mga social media posts, na magtatapos sa Enero 30, 2026.

--Ads--

Samantala, nag-public apology na si Barzaga kay Razon.

Inihayag ni Barzaga na masama lamang umano ang loob niya kay Razon dahil hindi ito nagpunta sa burol ng kaniyang amang si dating Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga na namatay noong Abril 27, 2024 kaya niya ito nagawa at bunga na rin umano ng misinterpretasyon.