--Ads--

Handa umanong tumestigo si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng korapsyon sa flood control project at isyu ng national budget.

Ito ang sinabi ni dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa isang press conference nitong Biyernes, isang araw matapos mabigong maghain ng impeachment complaint laban kay Marcos sa Office of the Secretary General.

Ang grupo ni Defensor ay nagtangkang maghain ng impeachment complaint laban kay Marcos noong Huwebes subalit hindi tinanggap dahil wala si House Secretary General Cheloy Garafil na na nasa ibang bansa.

Kukuwestyunin umano ng grupo ni Defensor ang ginawang ito ng Office of the Secretary General dahil batay sa Rules ng Kamara ang impeachment complaint ay inihahain sa tanggapan at hindi sa Secretary General.

--Ads--

Pag-aaralan umano ng grupo ng dating mambabatas ang susunod na legal na hakbang nito kasama kung babalik sila sa Office of the Secretary General upang ihain ang reklamo.