Nabigyan ng ayuda ang 72 pamilya sa Lunsgod ng Cauayan sa ilalim ng ‘Walang Gutom” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang kagutuman at kahirapan sa mga komunidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginalyn Camaso, Chairman ng Andabuen Achiever SLP Agriculture Cooperative ilalim ng DSWD, sinabi niya na simula pa noong 2024 ay ipinatutupad na nila ang naturang programa upang masiguro na mapunta ang tulong sa mga tunay na nangangailangan.
Aniya, dumadaan sa masusing assesment at pagsusuri ang mga benepisyaryo bago mapabilang sa programa.
Karamihan sa mga napipilin benpisyaryo ay mga kapos-palad na pamilya na na labis na nangangailangan ng tulong upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan partikular na ang pagkain.
Layunin umano ng naturang programa na hindi lang basta magbigay ng agarang ayuda kundi makatulong din sa pangmatagalang seguridad sa pagkain ng mga pamilya.
Ito na ang ikalawang munisipalidad na kanilang napuntahan para sa Walang Gutom Program at inaasahang mas marami pang lugar ang kanilang mararating sa mga susunod na buwan.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga benipisyaryo sa DSWD at sa mga kooperatiba sa patulong na pagbibigay ng suporta na malaking tulong umano sa kanilang kabuhayan at sa pagtiyak na mayroong pagkain sa hapag ng kanilang pamilya.









