--Ads--
Inisyuhan na ng ‘subpoena’ sina Sen. Jinggoy Estrada, ex-Sen. Bong Revilla, at former DPWH Sec. Manuel Bonoan, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, inilabas ang naturang ‘subpoena’ noong Biyernes, Enero 23 para sa mga naturang respondents.
Sa susunod na buwan ng Pebrero ay nakatakda aniya ang pagsasagawa ng ‘preliminary investigations’ hinggil sa mga reklamo.
Ito’y sa petsang ika-2 at ika-12 ng Pebrero ng kasalukuyang taon.
--Ads--
Ang subpoena ay kaugnay sa kapwa nila kinakaharap nab ‘plunder at graft case’ may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.







