--Ads--

Patuloy na sinosolusyonan ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang dangling wires o ang mga buhol-buhol at nakalaylay na kable ng koryente at kable ng telecommunication providers.

Matatandaan na una nang napaulat sa Bombo Radyo Cauayan na isa sa mga nakikitang problema sa lungsod ay ang mala-spaghetti o octopus wires na agad namang ginagawan ng paraan ngayon.

Sa pagpapahayag ni Sangguniang Panlungsod member Paolo Eleazar “Miko” Delmendo, sinabi niya na tuwing araw ng Biyernes ay nagkakaisa ang mga network providers kasama ang ISELCO upang maayos ang mga kable.

Ang aksyon ay tuloy-tuloy naman aniya na ginagawa simula pa noong nakarang taon, patunay lamang na hangad sa lungsod ng Cauayan ang malinis at hindi maayos na mga kable.

--Ads--

Una na umanong inayos ng mga network providers ang mga kable sa national highway at unti-unti na ring inaayos maging sa ilang barangay sa poblacion area.

Ipinangako naman ng konsehal na hangga’t-hindi naaayos ang problemang ito sa lungsod ay hindi sila papayag na tanging ang LGU lamang ang mamomroblema dahil iba’t-ibang kumpanya ang nakikinabang dito.