--Ads--

Natuklasan ang isa pang vintage bomb sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong Martes ng umaga, Pebrero 10. Ayon sa student publication na Philippine Collegian, natagpuan ang bomba sa loob ng Institute of Chemistry Teaching Building.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang mga klase sa umaga, at inaasahang magpapatuloy ang mga ito mula 12:00 ng tanghali. Pansamantalang isinara rin ang daan sa pagitan ng Institute of Chemistry Teaching Building at Research Building upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Matatandaan na noong Pebrero 3, isang vintage bomb din ang nahukay sa tapat ng Institute of Chemistry Teaching Building.