--Ads--

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 21 priority legislative measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa ikatlong LEDAC Full Meeting ng 20th Congress na target maipasa bago matapos ang Hunyo.

Ayon sa Malacañang, layunin ng mga panukala na pagaanin ang gastusin ng mamamayan at palakasin ang transparency, child protection, at pananagutan sa pamahalaan.

Kabilang sa mga prayoridad ang Travel Tax Abolition, Expanded Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act of 2026, mga panukala laban sa fake news at digital disinformation, at ang BARMM Elections bill upang matiyak ang maayos at kredibleng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kasama rin sa itinulak ng Pangulo ang Anti-Political Dynasty Law, CADENA Act, Independent People’s Commission Act, at Party-List System Reform Act bilang bahagi ng reporma sa sistema ng pamahalaan.

--Ads--

Tiniyak ng Pangulo na ang mga panukalang ito ay may malinaw na epekto at direktang pakinabang sa mamamayan.