Sa isang pambihirang civil case sa China, kinatigan ng korte ang isang 10-taong gulang na batang lalaki matapos nitong kasuhan ang kanyang sariling ama dahil sa paglustay ng kanyang savings nang walang pahintulot.
Ang batang kinilala sa pangalang Xiaohui ay may naipong 80,000 yuan (tinatayang 630,000) sa kanyang bank account. Ang nasabing pera ay mula sa mga “ang pao” na natatanggap niya mula sa mga kamag-anak tuwing lunar New Year.
Ayon sa rekord ng korte, hiwalay na ang mga magulang ni Xiaohui at nasa pangangalaga siya ng kanyang ama. Gayunpaman, nang magpasyang mag-asawang muli ang ama, winithdraw nito ang lahat ng laman ng bank account ng bata upang gamitin panggastos sa kanyang kasal.
Nadiskubre ito ng tunay na ina ni Xiaohui, na nagtulak sa bata na bawiin ang pera.
Sa depensa ng ama, iginiit niyang karapatan niyang hawakan ang pera bilang legal guardian at nangakong ibabalik lamang ito kapag nasa hustong gulang na ang anak. Ibinasura ito ng korte at idineklara na ang lift money ay personal na pag-aari ng bata.
Sa huling hatol, inutusan ang ama na ibalik ang kabuuang 82,750 yuan(kasama ang interes) sa kanyang anak.





