--Ads--

Humingi ng paumanhin si Quezon City Rep. Bong Suntay sa aktres na si Anne Curtis at sa mga nasaktan sa kaniyang naging pahayag tungkol sa ‘desire’ at ‘imagination’, na naganap sa gitna ng deliberasyon ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Suntay, hindi niya intensyon na makasakit at walang malisya ang kanyang pahayag, na aniya ay “taken out of context.” Nilinaw din niya na hindi pa niya nakikita si Curtis.

Aniya, nakakalungkot na mas nabigyan ng pansin ng media ang isyu kay Anne Curtis kaysa sa mas mahalagang usapin, ang impeachment proceedings laban kay VP Sara.