--Ads--

Isang auction house na dalubhasa sa pagbebenta ng mga props mula sa pelikula at TV series ang nag-aalok ng isang screen-matched na “butt birth” rhinoceros mula sa pelikulang Ace Ventura: When Nature Calls.

Ayon sa Propstore Auction, ginamit ang naturang rhino sa mga eksenang panglabas ng comedy film noong 1995, kung saan si Ace Ventura, na ginampanan ni Jim Carrey, ay gumagamit ng mekanikal na hayop upang manmanan ang isang suspek.

Isa sa pinakatanyag na eksena ay nang si Carrey ay lumabas mula sa hulihan ng rhino matapos masira ang cooling fan, dahilan upang tawagin itong “butt birth” rhino.

Ang nasabing prop, na dati ring ipinakita sa Planet Hollywood, ay umabot na sa halagang $5,500 ang bid nitong Huwebes ng hapon. Inaasahan ng auction house na maaari itong maibenta ng hanggang $8,000.

--Ads--

Magtatapos ang bidding sa Marso 25.