--Ads--
Napansin ng ilang netizens ang kawalan ng wedding ring ni Heart Evangelista sa mga larawang ibinahagi niya habang dumadalo sa Paris Fashion Week.
Sa kanyang Facebook post nitong Marso 11, ibinahagi ng Filipino fashion icon ang ilan sa kanyang mga stylish na “side quests” at mga sandali kasama ang kaibigan habang nasa fashion event sa Paris.
Gayunpaman, napansin ng ilang netizens na wala siyang suot na singsing sa ring finger.
Wala pang opisyal na reaksiyon si Heart kaugnay ng obserbasyong ito.
--Ads--
Sa kabila ng mga umiikot na tsikang hiwalayan nila, wala pang pahayag mula kay Heart o sa kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero.









