--Ads--

Kinilala bilang “Fashion Icon of the Year” ang actress at television host na si Heart Evangelista ng Harper’s Bazaar Thailand sa ginanap na Women of the Year 2026 sa Bangkok, Thailand noong Nobyembre 18.

Personal na tinanggap ni Evangelista ang parangal na kumikilala sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa international fashion scene.

Sa kanyang acceptance speech, nagpahayag ng pasasalamat ang aktres at sinabing ito ang kauna-unahan niyang award sa Thailand.

Nagbahagi rin siya ng mensahe sa mga kababaihang nakararanas ng self-doubt, kung saan hinikayat silang maniwala sa kanilang sarili, kilalanin ang kanilang halaga at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

--Ads--

Sa kabila ng abalang iskedyul, nagtungo pa rin si Evangelista sa Bangkok upang dumalo sa awarding at sumailalim sa ilang photoshoot bago bumalik sa Pilipinas para sa iba pa niyang commitments.