--Ads--

Isang 40-anyos na lalaki sa Taiwan ang ibinahagi ang kanyang karanasan matapos ma-diagnose ng brain hemorrhage ilang buwan matapos sumakay sa high-speed roller coaster sa Ferrari World Abu Dhabi.

Nakaramdam ng pagkahilo matapos ang ride ngunit binalewala.

Pagbalik sa Taiwan, nakaranas ng paulit-ulit na sakit ng ulo hanggang bumagsak at isinugod sa ospital.

Natuklasang may pagdurugo sa utak at kinailangang operahan.

--Ads--

Ayon sa mga doktor, posibleng may kaugnayan ang matinding puwersa ng roller coaster, ngunit bihira ang ganitong kaso at kadalasang may kasamang risk factors tulad ng high blood pressure o kahinaan ng ugat sa utak.