Nakatuon na ang atensyon ni Filipinas forward Alesandrea Carpio sa preparasyon para sa 2027 FIFA Women’s World Cup sa Brazil.
Pero ayon sa 24-anyos na si Carpio ay dapat determinado silang magkaroon ng pagkakaisa sa paglaro.
Nakaraan lamang ay nakapasok ang Filipinas sa pangalawang sunod na World Cup.
Magiging kauna-unahang World Cup ito ni Carpio sapul nang sumali sa koponan noong 2024 at maghaharap naman ang Top 32 nations sa Brazil sa Hunyo 2027.
Nakapasok ang Filipinas nang maglaro sila sa Women’s Asian Cup sa Australia, kung saan ay nakalaban nila ang host team, South Korea, Iran, Japan at Uzbekistan.
Natalo ang Filipinas sa Australia, South Korea at Japan, pero nabuhay ang kanilang pag-asa na makalaro sa World Cup nang silatin nila ang Iran at irehistro ang 2-nil decision kontra Uzbekistan.











