--Ads--
Naging kontrobersyal ang desisyon ng FIFA na payagang makalaro muli ang US striker na si Folarin Balogun sa knockout match laban sa Belgium matapos baligtarin ang kanyang isang larong suspensiyon.
Lumakas ang usapin matapos ihayag ni US President Donald Trump na nakipag-usap siya kay FIFA President Gianni Infantino kaugnay ng kaso ni Balogun. Dahil dito, umusbong ang mga alegasyon ng posibleng panghihimasok ng pulitika sa torneo.
Nagpahayag naman ng pagtutol ang Belgian Football Federation, na iginiit ang kahalagahan ng patas na laro at integridad ng football. Samantala, patuloy na pinagdedebatehan ng mga tagahanga at eksperto ang naging desisyon ng FIFA.





