--Ads--

Kinumpirma ni Dinagat Islands Governor Nilo Demerey Jr. na natagpuan na ang kinaroroonan ng nawawalang civilian aircraft na may tail number RP-C2444 matapos itong bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Barangay Navarro, Tubajon sa kanilang lugar.

Batay sa salaysay ng mga residente, isang malakas na pagsabog ang narinig sa lugar bandang ala-1:00 ng hapon nitong Miyerkules, Abril 8, 2026. Agad na naglunsad ng search and rescue operations ang pamahalaang panlalawigan na humantong sa pagkakadiskubre ng crash site kagabi.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nakita na ang mga debris o nagkapira-pirasong bahagi ng eroplano sa pinangyarihan ng insidente. Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang mailigtas ang mga sakay ng nasabing aircraft.