--Ads--
Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga kumpanya ng langis na ipatupad ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa kaniyang video message, sinabi nito na mayroong mahigit kumulang na P24.94 kada litro sa diesel an bawas.
Habang sa gasolina ay nasa P3.41 at ang kerosene ay nasa P2.00.
Dagdag pa ng pangulo na malinaw na mayroong ginhawang paparating at ang bawas ay mas mataas kumpara sa mga nagdaang mga linggo.
--Ads--
Umaas ang pangulo na mararanasan ng publiko ang kaginhawaan dahil sa rollback.
Iginiit din nito na bukas ang gobyerno sa anumang reklamo dahil sa krisis na nararansan sa bansa.











