Posibleng wala na sa hurisdiksyon ng Czech Republic si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ayon kay Justice Secretary Frederick Vida.
Ayon kay Vida, walang katiyakan sa kasalukuyang sitwasyon at kailangan igalang ang umiiral na mga batas ng naturang bansa. Dagdag pa niya, hindi rin nito isinasantabi ang posibilidad na wala na roon si Co.
Samantala, inaayos pa ang pagpupulong sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at ng mga opisyal ng Czech Republic, partikular sa kanilang Ministry of Justice, upang makakuha ng detalye hinggil sa detention ni Co at matukoy kung paano siya maibabalik sa Pilipinas.
Iginiit din ni Vida na iginagalang ng Pilipinas ang proseso ng Czech Republic at ng European Union kaugnay sa kaso, at hindi nais pangunahan ang magiging desisyon ng mga ito.











