Isang pambihirang split-color lobster ang nahuli sa baybayin ng Cape Cod, na ayon sa mga opisyal ay may posibilidad na 1 of 50 milyon lamang na mahuli.
Ayon sa Wellfleet Shellfish Company, natagpuan ng fishing vessel Timothy Michael ang kakaibang lobster na may half-and-half na kulay noong nakaraang Linggo.
Sa halip na ibenta, nagpasya ang kumpanya na i-donate ang lobster sa Woods Hole Science Aquarium, kung saan ito maninirahan habang-buhay at maaaring makita ng publiko. Sa kasalukuyan, inaalagaan muna ito ng Marine Biological Laboratory ng NOAA Fisheries sa Woods Hole, Massachusetts, habang isinasagawa ang renovation sa aquarium.
Ang mga split lobsters na gaya nito ay lubhang pambihira — bunga ng natatanging genetic variations na nagdudulot ng kanilang kapansin-pansing kalahating kulay





