Plano umanong patayin ng lalaking bumaril at nagtangkang pumasok sa White House Correspondent’s dinner si United President Donald Trump, at ilang matataas na opisyal ng gobyerno, ayon sa ulat ng mga imbestigador.
Inilikas si Trump ng mga Secret Service agent mula sa ballroom ng isang hotel sa Washington matapos ang insidente nitong Linggo ng umaga (oras sa pilipinas).
Ipinakita rin umano ni Trump ang mga kuha mula sa CCTV kung saan makikitang tumatakbo ang suspek patungo sa isang checkpoint.
Nagkaroon ng maikling palitan ng putok sa pagitan ng suspek at mga agent, na nagresulta sa agarang pagdakip sa kanya sa lugar.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek at inaasahang haharap sa korte sa Washington ngayong Lunes.
Ipinahayag ng mga awtoridad na ang suspek ay may dalang shotgun, handgun, at mga kutsilyo, at nananatili umano sa Washington Hilton hotel kung saan ginanap ang naturang black-tie dinner.
Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang buong motibo sa likod ng insidente.





