--Ads--
Umabot sa 2,082 volunteers ang lumahok sa 31st Annual Milwaukee Riverkeeper Spring Cleanup na nagresulta sa bagong Guinness World Record para sa pinakamaraming kalahok sa river clean-up na isinagawa sa iba’t ibang lokasyon.
Ang proyekto ay pinangunahan ng non-profit na Milwaukee Riverkeeper katuwang ang cleaning products company na Tru Earth. Nilinis ng mga boluntaryo ang higit sa 120 ilog at berdeng espasyo sa Milwaukee area, kung saan tinanggal ang basura at iba pang debris.
Natalo ng naturang aktibidad ang dating rekord na 1,795 participants ayon kay Jennifer Bolger Breceda, executive director ng Milwaukee Riverkeeper.





