--Ads--

Nagkaroon na ng closure para kay Mikee Quintos ang naging hiwalayan nila ni Paul Salas matapos ang apat na taong relasyon na nauwi sa paghihiwalay mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Mikee, nagkausap sila ni Paul noong Pebrero sa bachelor’s party ng kaibigang si Mikoy Morales, na nagbigay sa kanya ng mas maayos na closure kahit aminadong masakit pa rin ang pinagdaanan.

Ibinahagi rin ng actress na sa paglipas ng panahon ay hindi lang ang relasyon ang kanyang ipinagluluksa kundi pati ang isang bersyon ng kanyang sarili noong panahong magkasama pa sila, ngunit masaya siya sa kung sino siya ngayon.

Muling nagkita ang dalawa noong nakaraang Linggo sa isang celebrity basketball event, kung saan sinabi ni Mikee na maayos ang kanilang naging pakikitungo sa isa’t isa.

--Ads--

Sa ngayon, mas pinipili ni Mikee na maging masaya at hindi naghahanap ng bagong pag-ibig, ngunit bukas siya kung ito man ay dumating.