--Ads--

Patuloy na pinagsasabay ni Mikee Quintos ang kaniyang showbiz career at ang pagbuo ng kaniyang career sa architecture.

Ibinahagi ng aktres na kumukuha siya ngayon ng hands-on experience sa larangan bilang paghahanda sa planong pagkuha ng architecture licensure exam sa susunod na taon.

Nakipagtulungan umano siya sa kaniyang dating kaklase na isa nang lisensyadong arkitekto upang magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa aktwal na trabaho bago sumabak sa board exam.

Samantala, nakatakdang mapanood si Mikee sa pelikulang “Saving Cherry” kasama si Barbie Forteza na ipalalabas sa mga sinehan sa Setyembre 2.

--Ads--