--Ads--

Naghain ng reklamo ang Department of Energy (DOE) sa National Prosecution Service ng Department of Justice laban sa ilang opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation (SPBC) dahil sa umano’y paglabag sa Revised Public Service Act.

Kabilang sa mga inirereklamo si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, na nagsisilbing chairman, president, CEO, at director ng kumpanya.

Batay sa DOE, nabigo ang SPBC na makapagbigay ng serbisyo ng kuryente sa mga lugar na kulang o walang suplay ng kuryente, sa kabila ng 25-taong prangkisa na ipinagkaloob noong 2019 para sa mga renewable energy project sa mga off-grid areas.

Natuklasan din ng mga awtoridad na walang maipakitang kinakailangang permits at regulatory approvals ang kumpanya, at wala ring ebidensiya na ito ay nakapag-operate at nakapaghatid ng aktuwal na serbisyo ng kuryente.

--Ads--

Ayon sa ulat, inamin din umano ng mismong presidente ng kumpanya na hindi ito naging operational sa loob ng ilang taon.