--Ads--
Bumaba ng ₱4.30 kada litro ang presyo ng gasolina at ₱1 ang kerosene, habang tumaas naman ng ₱2.60 ang diesel sa ikatlong linggo ng Oktubre, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon kay DOE Director Rino Abad, dulot ng pagtaas ng gastos sa freight at insurance ng mga produktong petrolyo ang pagsipa ng presyo ng diesel.
Samantala, iniulat ng DOE na batay sa imbentaryo noong Oktubre 18, tatagal nang 59 araw ang suplay ng diesel, 56 araw ang gasolina, 191 araw ang kerosene, at 36 araw ang liquefied petroleum gas (LPG).
Dahil dito, sinabi ni Abad na hindi na kinailangang mag-angkat ng karagdagang diesel at LPG ang pamahalaan dahil sapat pa ang kasalukuyang suplay sa bansa.
--Ads--











