--Ads--

Pinabulaanan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga tsismis na tatanggalin si DILG Secretary Jonvic Remulla.

Sabi ng Pangulo, baka may gusto lang umagaw sa pwesto ni Remulla kaya nagkakalat ng ganoong balita.

Nilinaw niya na ang nag-iisang bago sa Gabinete ay si dating Senador Francis Tolentino na siyang pumalit kay Bienvenido Laguesma sa DOLE.

Nagsimula ang ingay laban kay Remulla sa social media dahil sa reklamo ng mga netizen na hindi pa rin nahuhuli ang ilang sikat na may warrant of arrest, partikular na si Senador Bato dela Rosa na sangkot sa isyu ng ICC drug war.

--Ads--