--Ads--

Nagdiriwang ngayon ang buong New York City matapos ang pagkapanalo ng New York Knicks sa NBA matapos ang 53 years.

Ngayong Linggo ay dinomina ng Knicks ang NBA Finals kontra San Antonio Spurs sa score na 94-90.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Farlie Salvador, naranasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa New York dahil sa kabi-kabilaang selebrasyon ng mga residente roon lalo at naitaon pa ito sa weekend.

Dahil dito, karamihan sa mga residente ay pinipili na lamang na mag-commute upang makaiwas sa matinding traffic.

--Ads--

Inaasahan naman na magpapatuloy ang selebrasyon hanggang sa mga susunod na araw.

Bagama’t buo ang suporta ng mga taga-New York sa Knicks, karamihan umano sa mga Pilipino roon ay sinusuportahan pa rin nila si Dylan Harper na isang Pinoy na mula sa koponan ng Spurs.

Samantala, ayon kay Salvador, laging underdog ang Knicks sa NBA at naging trademark na umano nito ang laging nauungusan sa mga unang quarter ng laro ngunit nakakabawi pagdating sa 4th quarter.

Dahil dito, hindi na gaanong kinakabahan ang mga fans kahit pa lumalamang ang kalaban sa unang mga quarter dahil kampante sila na kayang-kayang makahabol ng Nicks.

Inaasahan naman ang welcome parade para sa pagbabalik ng Nicks sa New York upang bigyang pugay ang nakamit nilang tagumpay para sa