--Ads--

Muling sumiklab ang matinding sagupaan sa Middle East matapos magpakawala ng mga missile ang Iran patungong Kuwait at Bahrain, habang nambomba naman ang Amerika sa Qeshm Island ng Iran at pinaralisa ang isang Iranian oil tanker gamit ang Hellfire missile.

Sa kabila nito, iniulat ng Iranian media na nagpapatuloy pa rin ang negosasyon sa pagitan ng Tehran at Washington, bagamat nagbanta ang nangungunang negotiator ng Iran na lalo nilang titindihan ang tugon kung hindi titigil ang pag-atake ng Israel sa Lebanon.

Samantala, natapos na ang unang araw ng mahalagang pag-uusap sa pagitan ng Israel at Lebanon sa US State Department matapos ang magdamag na palitan ng pambobomba ng militar ng Israel at ng militanteng grupong Hezbollah.

Kasabay nito, uminit ang tensyon sa pagitan ng Amerika at Israel nang ihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na itutuloy pa rin nila ang pag-atake sa timog Lebanon, ilang oras matapos ideklara ni US President Donald Trump na hindi na tutuloy ang mga tropang Israel sa Beirut.

--Ads--