Nakikitang posibleng makatulong ang genetically modified na “Bt cotton” sa muling pagbangon ng industriya ng bulak sa Pilipinas.
Ayon kay Abraham Manalo ng Biotechnology Coalition of the Philippines, malaki ang papel ng Bt cotton laban sa cotton bollworm na naging pangunahing sanhi ng pagbagsak ng produksyon ng bulak sa bansa.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng PhilFIDA ang backcrossing process upang mapanatili ang insect-resistant traits ng cotton, na inaasahang magiging ganap na magagamit pagsapit ng 2027.
Kabilang sa mga nakikitang angkop na lugar para sa pagtatanim nito ang Central Mindanao, Visayas, at ilang bahagi ng Luzon.
Samantala, iginiit din ang pangangailangan ng mas matibay na suporta ng pamahalaan para sa lokal na cotton at textile industry.





