Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na sa Biyernes ay isusumite na sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaso kaugnay sa pagkamatay nina Ateneo basketball players Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.
Ayon kay Remulla, halos tapos na ang imbestigasyon ng mga awtoridad at nasa huling yugto na ito, kung saan iilan na lamang ang hinihintay pang makuhang testimonya mula sa dating players at ilang opisyal ng Ateneo.
Sinabi rin niya na humigit-kumulang 100 saksi na ang nakapanayam at mahigit 1,200 pahina ng testimonya ang nakalap sa loob ng dalawang linggong imbestigasyon.
Ang dalawang atleta ay nasawi noong Hunyo 8 sa isang team-building activity sa Aurora, dahilan ng malawakang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
Patuloy pang kinukonsidera ng PNP-CIDG ang matibay na kaso bago ito tuluyang isampa sa DOJ.










