--Ads--

Kinoronahan si Rina Andrea Delos Santos ng Ballesteros, Cagayan bilang Miss Philippines Earth 2026 matapos manaig sa kompetisyon ng 33 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at overseas Filipino communities.

Naging bahagi ng kanyang tagumpay ang pagwawagi sa ilang pre-pageant activities, kabilang ang Best Cultural Award, na nagpatibay sa kanyang posisyon bilang isa sa mga paboritong kandidata bago pa man ang coronation night.

Samantala, itinanghal namang Miss Philippines Earth Air 2026 si Prima Joy Alamban ng Tumauini, Isabela, habang nakuha ni Alysa Mae Ardiente ng Santa Catalina, Ilocos Sur ang titulong Miss Philippines Earth Water. Si Nicole Grace Ampong ng Malaybalay City, Bukidnon naman ang kinilalang Miss Philippines Earth Fire, at si Roveelaine Eve Castillo ng Siocon, Zamboanga del Norte ang naging Miss Philippines Earth Eco-Tourism 2026.

Ang limang titleholders ay inaasahang magsisilbing mga tagapagtaguyod ng mga programang pangkalikasan, konserbasyon, at sustainable development bilang bahagi ng adbokasiya ng Miss Philippines Earth organization.

--Ads--