Patuloy ang ginawagang pakikipag-ugnayan sa komunidad ng 2nd Isabela Mobile Force Company upang matiyak na wala nang mahikayat na sumama sa grupo ng mga makakaliwang grupo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. George Gines, Operations Officer ng 2nd IPMFC, sinabi niya na isa sa mga pangunahin nilang tinututukan ay ang mga lugar na dati nang nakupkop ng mga makakaliwang grupo.
Kaugnay nito ay nagsasagawa sila ng community engagements gaya na lamang ng outreach program na isinasagawa ngayon sa barangay Salay, Sab Agustin, Isabela kung saan nakalatag ang kanilang Revitalized Program.
Aniya, lahat ng bayan sa kanilang nasasakupan ay itinuturing na vulnerable na mahikayat ng mga makakaliwang grupo kaya naman hinihikayat nito ang publiko na agad iulat sa mga kinauukulan kung mayroon silang namo-monitor na pagkilos mula sa mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army.
Maliban dito ay nagsasawa rin ang 2nd IPMC ng pagbisita sa mga paaralan para sa information dissemination hindi lamang hinggil sa anti-terrorism kundi maging na rin sa ibang usapin gaya ng anti-bullying upang maiwasan ang nangyaring karahasan kamakailan sa bahagi ng Tacloban.
Samantala, nakatakda namang pasinayaan sa ika-7 ng Hulyo ang isang tulay sa barangay Salay na proyektong ng kanilang hanay na na-deploy sa lugar na malaking tulong sa mga residente sa naturang barangay.





