--Ads--

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi sa kambal na lindol na yumanig sa Venezuela, na umabot na sa 2,645.

Batay sa ulat nitong Biyernes, Hulyo 3, nasa 12,600 katao naman ang nasugatan bunsod ng kalamidad.

Samantala, libo-libong residente pa rin ang hindi matagpuan matapos wasakin ng malalakas na pagyanig ang maraming gusali, apartment complex, at iba pang establisimyento, partikular sa baybaying lugar ng La Guaira sa hilaga ng kabiserang lungsod ng Caracas.