--Ads--

Nagkaroon ng halos 90 minutong pag-uusap sa telepono sina President Donald Trump ng Estados Unidos at Pangulong Vladimir Putin ng Russia kung saan nagpahayag si Trump ng kahandaang tumulong sa paghahanap ng solusyon sa nagpapatuloy na digmaan sa Ukraine.

Ayon sa Kremlin, tinalakay ng dalawang lider ang sitwasyon sa Ukraine kasabay ng nalalapit na pagdalo ni Trump sa summit ng North Atlantic Treaty Organization sa Turkey sa susunod na linggo.

Inilarawan ng panig ng Russia ang pag-uusap bilang maayos at nakatuon sa mga usaping may kinalaman sa posibleng political-dipomatic resolution. Samantala, kinumpirma rin ni Pangulong Volodymyr Zelenskyy na nagkaroon siya ng hiwalay na pag-uusap kay Trump kaugnay ng sitwasyon sa Ukraine at sa patuloy na suporta ng Estados Unidos.