--Ads--

Inilunsad ni Russian President Vladimir Putin ang bagong nuclear-powered submarine na Perm, na ayon sa Moscow ay kauna-unahang nilagyan ng Zircon hypersonic missiles.

Pormal na isinagawa ang paglilipat nito sa Russian Navy sa pamamagitan ng flag-raising ceremony sa Sevmash shipyard sa Severodvinsk nitong Biyernes.

Inihayag din ni Putin na magdaragdag ang Russia ng lima pang nuclear-powered submarines sa kanilang naval fleet pagsapit ng 2030, kabilang ang tatlong Yasen-M class.

Bahagi ito ng patuloy na modernisasyon ng hukbong pandagat ng Russia.

--Ads--