--Ads--
Kinikilala ngayon bilang pinakamatandang babaing food YouTuber sa buong mundo ang 96-anyos na si Aileen Chin mula Jamaica.
Kasama ang kanyang apong si Lucas Wong, nagbabahagi siya ng mga tradisyunal na Jamaican recipe sa social media at mayroon nang halos tatlong milyong tagasubaybay sa iba’t ibang platform.
Nagsimulang magluto si Aileen sa edad na lima at naging viral dahil sa kanyang mga putahe tulad ng Jamaican beef patties at oxtail. Noong Marso, pormal siyang kinilala ng Guinness World Records bilang “oldest living food/cooking YouTuber (female)”
Ayon kay Aileen, ang sikreto sa tagumpay ay ang pagsunod sa nais ng puso, paggamit ng sariwang sangkap, at pagluluto nang may pagmamahal para sa pamilya.
--Ads--





