--Ads--
Naging viral sa Russia ang isang kakaibang paligsahan ng isang plumbing company sa Stavropol na tinawag na “Game of Thrones,” kung saan pinainom ang mga kalahok ng non-alcoholic sparkling drink mula sa mga bagong inidoro gamit ang malalaking straw para sa pagkakataong manalo ng 100,000 rubles (₱79,000).
Matapos ang unang round, ang mga nanalo ay pinagtagisan naman sa pamamagitan ng pinakamatagal na pag-upo sa nakasarang inidoro. Ang huling mananatiling nakaupo ang itinanghal na kampeon.
Bagama’t mabilis na naging viral ang patimpalak sa social media, umani ito ng matinding batikos mula sa publiko dahil sa umano’y nakabababa at nakakainsultong konsepto nito.





