--Ads--
Tinanggihan ng Sandiganbayan Second Division ang mosyon ng Office of the Ombudsman na bawiin ang mga kasong isinampa laban kay dating Public Works Secretary Manuel Bonoan upang gawin siyang state witness sa isinasagawang imbestigasyon sa umano’y flood control scam.
Sa resolusyong may petsang Agosto 3, sinabi ng Sandiganbayan na walang sapat na batayan ang mosyon at ang pag-alis kay Bonoan bilang akusado sa kasalukuyang yugto ng pagdinig ay maaaring makasagabal sa mga depensang maaaring gamitin ni Senador Jinggoy Estrada.
Si Bonoan ay kabilang sa mga akusado sa mga kasong plunder at graft na isinampa laban kay Estrada kaugnay ng umano’y iligal na budget insertions sa mga proyektong pang-imprastraktura.











