--Ads--

Inanunsyo ng K-pop group na BIGBANG ang paglabas ng kanilang bagong digital single na “BiiiG” sa Agosto 19, na magsisilbing una nilang music release bilang grupo matapos ang mahigit apat na taon.

Sa kanilang X account, ibinahagi nina G-Dragon, Taeyang at Daesung ang teaser photos para sa nalalapit na comeback.

Ito ang unang comeback ng BIGBANG mula sa kantang “Still Life” na inilabas noong 2022.

Kasabay nito, naghahanda rin ang grupo para sa kanilang ika-20 anibersaryong world tour na “XX : COSMOS,” na magsisimula sa South Korea sa Agosto 21 at daraan din sa Maynila sa Pebrero 20, 2027.

--Ads--

Nag-debut ang BIGBANG noong 2006 at nakilala sa mga hit songs na “Haru Haru,” “BANG BANG BANG,” at “Fantastic Baby.”