--Ads--

Matapos ang kanyang kamangha-manghang comeback laban kay Magdalena Fręch, muling bumalik sa clay courts ng Foro Italico si Alex Eala para sa isa pang practice session sa Italian Open.

Ang 20-anyos na Filipina tennis star ay nagsanay sa Court 7 kasama ang kanyang hitting partner, coach na si Joan Bosch, at Lluc Bauza mula sa Rafa Nadal Academy.

Agad na dumagsa ang mga manonood nang pumasok si Eala sa court, kung saan siya’y nag-ensayo ng isang oras. Sa katabing court ay nagsasanay si Joao Fonseca, habang si Coco Gauff naman ay nagpainit para sa kanyang laban.

Sa iba pang bahagi ng Foro Italico, nakitang nagsasanay sina Daniil Medvedev, Felix Auger Aliassime, at Learner Tien.

--Ads--

Nakatuon si Eala sa pagpapalakas ng kanyang groundstrokes, serves, at returns mga aspeto na naging susi sa kanyang panalo laban kay Fręch.