Hindi na makalalaro si Belinda Bencic sa kanyang inaabangang quarterfinal match laban kay World No. 4 Coco Gauff sa WTA 1000 National Bank Open matapos umatras dahil sa patuloy na iniindang injury sa kanyang binti.
Ayon kay Bencic, matagal na niyang nararanasan ang naturang kondisyon mula pa noong Wimbledon at sinubukan niyang maging handa para sa torneo ngunit hindi kinaya ng kanyang katawan.
Bago ang pag-atras, nagpakita ng magandang kampanya ang Swiss tennis star matapos talunin sina Sloane Stephens, Taylor Townsend, at Filipina tennis sensation na si Alex Eala upang makarating sa quarterfinals.
Dahil sa pag-withdraw ni Bencic, awtomatikong umusad si Coco Gauff sa semifinals ng torneo.
Hihintayin naman ni Gauff ang magwawagi sa quarterfinal showdown nina dating World No. 1 Naomi Osaka at second seed Elena Rybakina ng Kazakhstan.











