--Ads--

Muling iminungkahi ng isang abogado na gawing transparent ang pagtalakay sa pambansang pondo para sa susunod na taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa ang dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines, sinabi niya na mula ng pumutok ang eskandalo sa PDAF o Priority Development Assistance Fund na isang uri ng Pork Barrel.

Dito ay natukoy ang malawakang korapsyon sangkot ang mga Mambabatas na nagkakaroon ng budget insertions.

Una naring tinutulan mng Supreme Court ang budget insertions o pagsisingit sa Pambansang Pondo ng mga Mambabatas na dapat ay ginagawa o tungkuling lamang ng Executive branch at ang pagbibigay ng Lamsum amount sa mga Kongresista at Senador ay paglabag sa separation of power sa pagitan ng Executive at Legislative branch.

--Ads--

Sa kabila ng pagtutol ng Korte at iba pang progresibong grupo ay nanatili ang ganitong uri ng korapsyon sa pamamagitan ng buget insertions sa ilalim ng bicameral reports ng pambansang pondo.Bagamat hindi lahat ng insertion ay illigal pero kailangan ito ay maging transparent, naaayon sa National Development Plan at matalakay sa plenaryo.

Matatandaan na Inihain na ng administrasyong Marcos sa Kongreso ang National Expenditure Program (NEP) para sa 2027 na nagkakahalaga ng P7.2 trilyon, mas mataas ng 6% o P407 bilyon kumpara sa P6.793-trilyong badyet ngayong 2026. Katumbas ito ng humigit-kumulang 21.7% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.