Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area o LPA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR batay sa kanilang tala alas-8:00 ng gabi ngayong Agosto 16, 2026.
Ayon sa ahensya, ang LPA 08e ay may mababang posibilidad na maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras kaya nananatiling maliit ang tiyansang lumakas ito sa ngayon.
Samantala, ang LPA 08f ay may katamtamang posibilidad na maging isang tropical depression sa loob din ng susunod na 24 oras kaya patuloy itong mahigpit na minomonitor ng mga weather forecaster.
Bagama’t nasa labas pa ng PAR ang dalawang sama ng panahon, pinapayuhan pa rin ang publiko na manatiling alerto at subaybayan ang mga opisyal na abiso at update mula sa DOST-PAGASA para sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.










