--Ads--

Patuloy na humihina ang bagyong Rosal habang kumikilos pa-hilagang-kanluran sa karagatang silangan ng Batanes, ayon sa PAGASA sa kanilang 11:00 ng gabi na bulletin.

Huling namataan ang sentro ng bagyo dakong alas-10 ng gabi sa layong 305 kilometro sa silangan-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 190 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Nananatili sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Batanes at hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands, habang Signal No. 1 naman ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, the northeastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Santa Maria, Cabagan, San Pablo, Palanan), Ilocos Norte, and Apayao.

Posible pa ring makaranas ng malakas na ulan at bugso ng hangin ang ilang lugar sa labas ng direktang dinaanan ng bagyo. Inaasahang pinakamalapit ang Rosal sa Extreme Northern Luzon mula ngayong gabi hanggang Biyernes ng umaga, bago tuluyang lumabas sa Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Biyernes ng gabi o madaling araw ng Sabado.

--Ads--

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga abiso ng PAGASA at sumunod sa mga tagubilin ng mga lokal na awtoridad. Nagbabala rin ang ahensya laban sa paglalayag dahil sa napakataas na alon sa mga baybayin ng Batanes, Babuyan Islands at bahagi ng Cagayan.