--Ads--
Nag-uwi ng karangalan ang mga Pinoy speedcuber na sina Brenton Angelo Lo Wong at Juan Miguel “Uno” Magallanes sa Malaysia National Speed Cubing Championships.
Nasungkit ni Wong ang silver medal sa 3×3 main event matapos magtala ng 5.634 segundo.
Samantala, nagkampeon si Magallanes sa 2×2 event na may oras na 1.06 segundo at average na 1.47 segundo. Nagkamit din siya ng silver sa 3×3 at pumangalawa sa 3×3 One-Handed.
Nakamit din nina Wong at Magallanes, kasama ang Malaysian speedcuber na si Tee Kai Yang, ang kampeonato sa team relay para sa Team BTJ.
--Ads--
Patuloy namang naghahanda ang mga Pinoy speedcuber para sa mas malalaking international competition sa susunod na taon.





