--Ads--

Nasa career-high ranking na World No. 18 si Filipina tennis star Alex Eala, ang pinakamataas na ranking na naabot ng isang Southeast Asian women’s singles player sa kasaysayan ng WTA.

Dalawang puwesto itong itinaas mula sa dati niyang World No. 20. Nalampasan ni Eala ang dating regional record na hawak nina Yayuk Basuki ng Indonesia at Tamarine Tanasugarn ng Thailand, na parehong umabot sa World No. 19 noong 1997 at 2002.

Huling naglaro si Eala sa Cincinnati Open sa Ohio, kung saan nabigo siyang umusad sa Round of 16 matapos talunin ni World No. 10 Amanda Anisimova noong Agosto 18.

Bago nito, lumahok siya sa National Bank Open sa Toronto, Canada, kung saan natalo siya kay Belinda Bencic sa Round of 16.

--Ads--

Bitbit naman ni Eala ang kanyang kauna-unahang WTA singles title sa pagsabak niya sa US Open sa New York, ang huling Grand Slam tournament ng season.

Makikilahok siya sa women’s singles at mixed doubles, kung saan makakapareha niya ang Canadian tennis star na si Felix Auger-Aliassime.

Nakatakdang maglaro si Eala sa hardcourt ng US Open sa Agosto 27 para sa 2026 Stars of the Open exhibition game laban kay American Iva Jovic. Samantala, ilalabas ang main draw ngayong linggo, kung saan magsisimula ang mga laban sa linggo ng Agosto 30.