--Ads--

Nabigo si Filipina tennis star Alex Eala na makapasok sa finals ng women’s singles tennis sa 2026 Asian Games matapos talunin ni China’s Wang Xiyu sa semifinals nitong Huwebes sa Higashiyama Park Tennis Center sa Nagoya, Japan.

Mabilis na sinimulan ni Eala ang laban matapos kunin ang unang limang games at tuluyang manalo sa opening set, 6-3. Gayunman, nakabawi si Wang at nagpakita ng mas agresibong laro sa second set para talunin ang Filipina, 6-3, at itabla ang laban.

Dahil dito, hindi na makakamit ni Eala ang gold medal at provisional spot para sa 2028 Olympics sa Los Angeles.

Sa halip, bronze medal ang maiuuwi ni Eala, kapareho ng kanyang nakamit sa 2023 Hangzhou Asian Games. Magiging all-China ang finals matapos talunin ni Zhang Shuai si Kazakhstan’s Yuliya Putintseva, 6-4, 6-2.

--Ads--